NOONG kumukuha pa siya ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) program, nagbingi-bingihan at napapangiti lamang siya sa mga nangungutya at nagmamaliit sa kanyang piniling career upang umasenso sa buhay.
Ngayon, puwede nang ipagsigawan ni Al-samer Kasim na hindi siya nagkamali sa pagkuha ng tech-voc program. Kasalukuyan, isa na siyang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang service crew sa isang pizza shop sa Saudi Arabia at tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya.
Si Al-samer, 30, ay mula sa isang mahirap na pamilya sa Maluso, Basilan. Ang kanyang ina ay isang may-bahay habang vendor ang kanyang ama. Pang-walo siya sa siyam na magkakapatid, kaya malabo silang mapag-aral noon sa kolehiyo ng kanilang mga magulang.
Pagka-graduate ng high school, hindi na nagdalawang-isip si Al-samer nang yayain siya ng kanyang kaibigan na mag-aral sa TESDA. Siya ay kumuha ng Bread and Pastry NC ll, na inaalok sa Furigay Colleges Inc. of Isabela.
Naniniwala siya, na malaking tulong ito sa kanyang pangarap na makapagtrabaho sa abroad para maiangat sa kahirapan ang kanyang pamilya tulad nang paniniwala ng mga nakakaraming Filipino.
Gayunpaman, bilang recipient ng scholarship, nakaranas siya ng diskriminasyon at minamaliit ang pagkuha nito ng TESDA program na umano’y “cheap” at ‘lowly step’ sa pag-abot ng pangarap.
“People keep on asking “why don’t you go and study a degree course if you really want to improve your eco-nomic status?”
Hindi niya pinansin ang mga ito, sa halip ay nagpokus siya sa kanyang pag-aaral hanggang sa nakatapos noong 2017.
Pagka-graduate agad naman siyang nag-aplay ng trabaho para sa Saudi Arabia,masuwerte na agad naman siyang natanggap bilang service crew sa isang pizza shop. Ngayon, siya na ang gumagawa ng pizza sa pina-pasukan nitong Maestro Pizza.
“I now have a skill I acquired thru the TESDA scholarship program, which I am very grateful for. I am now proud to say that I am currently the breadwinner of the family. Sending my salary back home to my family in the Philippines is such a fulfilling achievement I have always dreamed of,” ani Al-samer.
Comments are closed.