MINDA MAGLALAGAY NG POULTRY AT HOG FARMS SA QUAKE-HIT AREAS

POULTRY-HOG FARMS

NAKIPAG-PARTNER ang Mindanao Development Authority (MinDA) sa pinakamalaking  agricultural and food company sa Thailand, ang Development Bank of the Philippines (DBP), at isang Mindanao agri-business company para magtayo ng community poultry and hog farms sa mga lugar na apektado ng nakaraang lindol sa Mindanao.

Sinabi ni Secretary Emmanual Piñol kama­kailan na ang mga pro­binsiya na makikinabang ang magiging pokus na lugar ng proyekto na tinawag na “Livelihood Opportunities in Villages for Economic Upliftment (LOVE-U)”, na dinisenyo para tulungan ang mga biktima ng ka­lamidad na makabawi at maging self-reliant.

Ang Davao del Sur at North Cotabato ang dalawang probinsiya na sobrang tinamaan ng nakaraang lindol sa Min­danao.

Sinabi ni Piñol na ang LOVE-U Project ay ipatutupad din sa ibang barangay sa Mindanao na may mataas na bilang ng mga naghihirap.

Idinagdag niya na ang mga lider ng Thailand Charoen Phokpand Foods (CPF) Sakol Cheewakoset at Udomsak Aksorphakdee ay nauna nang nangako na magtatayo ng kahit dalawang model farms para sa baboy at manok sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa u­nang tatlong buwan ng 2020.

“Other farms will be established in other areas, especially for earthquake victims who had to be relocated because of risks posed by landslides in their mountain villages,” sabi niya.

Sinabi ni Piñol na sa ilalim ng programa, mag-oorganisa ang MinDA ng mga biktima ng lindol para magkaroon ng kooperatiba o asosasyon, ang ilan ay magpatakbo ng MinDA Tienda outlets at ang iba para magpatakbo ng poultry at hog farms na itatayo sa kanilang komunidad.

Kasama ang kanilang partner, ang Development Bank of the Philippines, gagawa ang MinDA ng grant of loans para sa pagtatayo ng common service facility na kailangan para sa poulty and hog projects.

“The poultry and hog farms will be located in a specific area where the cooperative members could go to every day and work on their community projects.

CPF Philippines will provide the piglets, chicks, feeds and veterinary services for the farms after which it will buy the product of the farmers,” sabi ni Piñol.

Sinabi ni Piñol, matapos na magbawas ng gastos sa biik, sisiw at pakain, magbibigay ang CPF Philippines sa farmers’ cooperative ng kita na galing sa proyekto.

Ang CPF Philippines ay magli-link din sa isang South Cotabato company, iFreshCorporation, para sa implementasyon ng proyekto.

Magbibigay ang iFresh Corporation ng tolling services para sa feeds, hatchery at slaughter at dressing plants.

“We are willing to do this in other disaster-affected areas so we could help people recover while at the same time contribute to the growth of the Philippine agricultural economy,” sabi ni Sakol sa MinDA sa isang miting kamakailan.

Ngayong Nobyembre 19, ipiprisinta ng MinDA, CPF Philippines at iFresh Corporation sa DBP officials ang panukala para sa proyekto.    PNA

Comments are closed.