MINDA ‘TIENDA’ LAYON NA ITAAS ANG KITA, BAWASAN ANG KAHIRAPAN

MINDA TIENDA

NILALAYON ng Mindanao Development Authority (MinDA) Tienda Program na tumaas ang kita ng mga magsasaka sa pagbibigay sa kanila ng mas maraming daan para sa farm inputs at  mga gamit sa mas mababang halaga, ayon sa mataas na opisyal ka­makailan.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni MinDA Secretary Emmanuel Piñol na layon ng programa na makapagbigay sa rural consumers, lalo na ang mga magsasaka at mangingisda ng daan para sa farm inputs at mga kagamitan at mga supply sa kanilang tahanan sa presyong mas mababa sa nabibili sa komersiyal na tindahan.

Umaasa si Piñol na ang programa ay makapagbibigay ng kontribusyon sa pagbabawas ng kahirapan sa Minda­nao at Palawan sa pagdaan ng panahon.

“Farmers and fisherfolk will be registered as members of the MinDA Tienda for them to avail of the special prices while at the same time, they will be assured of a market for their produce,” aniya.

Ang programa ay makapagpapabago ng produksiyon ng rural agricultural at fisheries production para maging market-oriented activity, para magabayan din ang mga miyembro kung ano ang ipoprodyus base sa pangangaila­ngan ng merkado.

“As card-bearing members, they will be earning shares every time they buy from and sell their produce to the MinDA Tienda,” dagdag ni Piñol.

Aniya na ang programa ay may pananaw na ang mga tindahan sa probinsiya ay makapagbebenta ng wholesale-priced common items sa kanilang card-bearing members, kasama ang farm inputs tulad ng fertilizer, kasabay ng paggabay sa kanila kung ano ang ipoprodyus sa merkado sa labas ng kanilang komunidad na itatayo sa Mindanao at Palawan sa susunod na taon.

Ang Ateneo de Davao School of Business and Governance ay nagboluntaryo para makatulong sa pagdidisenyo at pagbabalangkas ng kung ano ang unang supply depot ng mga konsyumer at magsasaka sa  Min­danao.

Ini-report din ni Piñol na ang pribadong korporasyon na nakabase sa General Santos City at Cebu, na may ari ng 30 sangay ng convenience stores sa Cebu, ay nagboluntaryo na rin para makipag-partner sa ahensiya sa pagbili ng mga prodyus ng miyembro para ibahagi sa kanilang mga tindahan sa labas ng Mindanao.       PNA

Comments are closed.