MINDANAO 4 NA BESES NIYANIG

MINDANAO-QUAKE

APAT na malalakas na pagyanig ang naranasan ng Mindanao sa  buong magdamag.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs),  naitala ang unang pagya­nig na may lakas na magnitude 3.8 alas-12:54 ng madaling araw kahapon.

May lalim itong 14 na kilometro at hindi naman nagdulot ng aftershocks at pinsala.

Alas-2:19 ng madaling araw naman nang maitala ang magnitude 4.5 na lindol na may lalim na 33 kilometro.

Hindi rin ito nagdulot ng pinsala at nakapagtala ng aftershocks.

Naitala naman ang pinakamalakas bandang alas-2:28 sa magnitude 5.1.

Na-trace ang episentro ng lindol sa layong 120 kilometro kanluran ng Sarangani.

May lalim itong 33 kilometro at inaasahan pa ang aftershocks.

Samantala, alas-2:44 naman nang maitala ang magnitude 3.0 na lindol na may lalim na 17 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng lahat ng pagyanig sa naturang lugar.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.