NANINIWALA ang isang kongresista na malaki ang maitutulong ng pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) para sa ikalalago ng ekonomiya ng Mindanao.
Ayon kay Anak Mindanao Partylist Rep. Amihilda Sangcopan, malaki ang magagawa ng BBL para sa ikalalakas ng pagnenegosyo sa rehiyon.
Bagama’t hindi pa siyento por siyento ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao ay makikita naman, aniya, na ginagawa ng gobyerno ang lahat para wakasan ang insureksiyon at pagrerebelde sa rehiyon.
Sinabi pa ng lady solon na wala pa man ang BBL ay maganda-ganda na ang pagnenegosyo sa Mindanao region.
Aniya, maraming investors ang namumuhunan sa Mindanao at inaasahan na mas darami pa ang mga mamumuhunan sa oras na maging ganap na batas ang BBL. CONDE BATAC
Comments are closed.