MINDANAO GINUGULO

MASAlamin

PANGGUGULO lamang. ‘Yan ang ating tingin sa mga grupong naghahasik ng lagim sa Mindanao upang masabotahe ang plebisito para sa Bangsamo-ro Organic Law o BOL.

Kung gusto mo ang BOL, e ‘di iboto mo, kung ayaw mo naman ay bumoto kang pasalungat. Hindi ‘yung manggugulo ka, maghahasik ka ng lagim. Kaya tingin ko ay hindi magiging successful ang anumang exercise diyan sa Mindanao na may patungkol sa pagbibigay ng kalayaang makatayo sa sarili nila ‘yang rehiyon na ‘yan.

Bakit kamo? Nga­yon pa nga lamang na sumasailalim ito sa pagbabantay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP)  ay nagagawa ng mga ulupong na ‘yan na pumatay, magpasabog left and right, para makapanakot.

Kung may ganyang porsiyento ng mentalidad sa Mindanao, med­yo nalalabuan akong pagbigyan ito ng economic at political independence sa ilalim ng pederalismo.

Huwag ninyo akong mai-quote ng mali, mga kamasa, ako ay para sa pede­ralismo through and through. Suportado ko ‘yan 100% at ikinakampanya ko pa ‘yan.

Ang tumbok ko ay ang political maturity ng maaaring recipient ng political at economic independence na ‘yan. Are they ready? Maaaring dito sa Metro Manila ay equipped na tayo with political maturity para maisabuhay ang esensiya ng pede­ralismo. Paano sa Mindanao?

Ganito ‘yan. Napakayaman ng Mindanao kung tutuusin, at alam nating lahat ‘yan. Hinihigop ng pamahalaan ang kayamanan nila at ang ibinabalik natin sa kanila ay barya-barya para mapatakbo ang pang-araw-araw nila roon.

Kumbaga, matagal na nating inaapi ang Mindanao at ngayon ay bibigyan natin sila ng kapangyarihang politikal at ekonomikal. Parang magiging biglaan. Ako naman ay tumiti­ngin sa Pangulo bilang gabay, gamit kumbaga itong pederalismo para sa Mindanao at mga mahihirap na lalawigan kaysa sa NCR.

Maaaring for the lack of political maturity mukhang kamay na bakal muna talaga ang gagabay sa Mindanao hanggang ma-attain nila ang political maturity na kinakailangan sa ilalim ng isang matibay at mapagpakaisang pederalismo.

 

Comments are closed.