HINDI dapat unahin ng mga kritiko ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kabilang si Sen. Panfilo Lacson, ang kanilang personal na galit para lamang pigilan na maisulong ang legislative agenda ng pamahalaang Duterte, na makabubuti at magpapaunlad sa mamamayan.
Kasabay nito, umapela si Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Pichay sa naturang senador at iba pa na hayaan na lang nila ang dating lady president at ngayo’y Pampanga lawmaker na gampanan ang trabaho nito partikular ang pagbibigay katuparan sa mga naipangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Set aside their personal beef with SGMA who is pushing the President’s development agenda for the country, including his pledge for a transition to a federal system of government. The shift to a federal form of government is not SGMA’s initiative. It is in fact a campaign promise of President Duterte who won an overwhelming mandate in 2016,” sabi pa ni Pichay.
Dagdag ng Mindanaoan solon, mismong si Arroyo na ang nagsabing walang ibang ‘hidden agenda’ sa panukalang pagbabago sa sistema ng pamahalaan ng Filipinas kabilang na ang pangamba ng ‘no election scenario’ na magpapalawig sa termino ng incumbent elected officials at target na maging prime minister ng lady speaker sa ilalim ng pederalismo.
“SGMA has already declared against these proposals. Thus, senators should keep an open mind and not prematurely issue a death certificate for charter change, especially when the new leadership has shown openness in involving the Senate in the debate and process,” giit ni Pichay.
Hiniling din ng mambabatas sa mga senador na respetuhin at kilalanin ng mga ito ang kanilang institusyon at ang kapasyahan ng nakararaming kongresista na hirangin si Arroyo bilang lider ng Kamara.
“We did not choose SGMA just because the former speaker had become unpopular. We chose her because of her unique skill set that will help this country face challenges in the coming months. The people will be better served if we follow SGMA’s lead and rise above the past and the personal to work on a common development agenda,” ani Pichay.
Samantala, pinuri naman Isabela Rep. Rodolfo Albano III si SPGMA sa pagtitiyak na walang ‘zero budget’ sa sinumang kongresista, na patunay lamang na patas ito at hindi nagtatanim ng galit lalo na sa hanay ng tumuligsa sa kanya at sa Duterte government.
Idinepensa ni Albano ang pag-iikot sa mga probinsiya ni SGMA dahil wala itong halong politika bagkus ay pagpapaabot lamang ng tulong sa mga biktima ng kalamidad at personal nitong mabatid ang pangangailangan ng bawat legislative district. RB
Comments are closed.