MINDANAO SUNOD-SUNOD NA INUGA

Lindol

LIMANG lugar sa Mindanao ang muling inuga kahapon, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs).

Una nang naitala ang magnitude 3.9 na lindol sa 114 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, sa Davao del Sur, alas-12:46 ng madaling araw kahapon.

Alas-3:27 ng mada­ling araw ay naitala ang 3.1 magnitude na lindol  sa 18 kilometers Northeast ng bayan ng Malungon, Sarangani na may lalim na 17 kilometers at alas-5:09 ng umaga naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa 19 kilometers Southwest ng bayan ng Bansalan sa lalawigan ng Davao del Sur na may  lalim na 17 kilometers.

Dalawang beses namang inuga ang bayan ng Sulop sa Davao del Sur at ang una ay alas-8:01 ng umaga na may sukat na 3.4 magnitude.

Ang ikalawang pagyanig sa bayan ng Sulop ay ala-1:56 ng hapon na may magnitude 3.9 sa 16 kilometers Southwest ng naturang bayan na may 16 kilometer ang lalim.

Ala-1:22 ng hapon naman ay naitala ang 3.3. magnitude na lindol sa Datu Paglas sa Maguin­danao at sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 10 kilometers Southeast ng nasabing munisipalidad na may lalim na 17 kilometers.

Alas-3:10 ng hapon ay naitala ang pagyanig sa 12 kilometers Northwest ng bayan ng Lutayan, Sultan Kudarart na may lalim na 26 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Tupi at Koro.

Pawang tectonic in origin ang pinagmulan ng mga pagyanig habang walang nadisgraya sa mga pag-uga. EUNICE C.

Comments are closed.