TIWALA si Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pagratipika sa Bangsamoro Organic Law (BOL), na lilikha sa isang bagong autonomous region sa Muslim Mindanao, ay ganap na magbibigay-daan sa mabilis at tuloy-tuloy na pag-unlad ng rehiyon matapos ang ilang dekadang armadong tunggalian.
Ayon kay Dominguez, ang BOL ay umani ng malawakang suporta sa plebisito na idinaos noong Enero 21 sa gitna ng paniniwala na ang mga isyu sa likod ng ilang dekadang kaguluhan na naghati sa Mindanao ay nagkaroon na ng kalutasan at ang pangako ng kaunlaran para sa mga mamamayan nito ay magkakaroon na ng katuparan.
“Today, we again have the chance to recover the lost years, to redeem the lost generations. A new autonomy arrangement, overwhelmingly supported by the communities of this region, could light up the pathway to rapid development for the people of Mindanao. There is everything to gain from this,” wika ni Dominguez sa seremonya na naggawad sa kanya ng titulong Datu at nagpangalan sa kanya bilang honorary member ng Bangsa Maranaw.
Kabilang sina Mohamad Fuad Abdullah Kiram, ang Sultan ng Sulu at Borneo; Firdausi Ismail Yahya Abbas, ang Sultan ng Lanao; at Subair G. Mustapha, ang Sultan ng Marawi, na nag-isponsor sa conferment ng kalihim, sa dignitaries na dumalo sa seremonya na idinaos sa Marco Polo Hotel sa Davao.
Tinanggap ni Dominguez ang Scroll of Conferment na nagkakaloob sa kanya ng titulo ng Datu; ang Kandit, na isang gold buckle na sumisimbolo sa kanyang bagong titulo; at ang Gunong, isang ethnic Maranaw blade na sumisimbolo sa kanyang ka-pangyarihan bilang Datu.
“The resounding approval of the BOL and the creation of a new Bangsamoro Autonomous Region, however, are not instant solutions to the problems that have plagued Mindanao for almost a half-century, as the future success of the new autonomy setup is contingent on the hard work that all sectors are willing to undertake together over the long term,” pagbibigay-diin ni Dominguez.
“We must be aware, however, that there is no easy path to redemption. There is no magic wand that will instantly cure the malaise we confront — not a new configuration of governance and certainly not a single political speech,” aniya.
“We must be prepared to work hard over the long term, addressing every deficiency and carefully building both the institutions and the political culture that will make rapid but sustainable development possible,” dagdag pa ng kalihim.
Comments are closed.