MAKATUTULONG ang kapayapaan sa Mindanao para sa pag-unlad ng rehiyon, ayon sa World Bank matapos lagdaan ang batas na magkakaloob ng mas malawak na awtonomiya sa Muslim minority sa south.
Sinabi ni Birgit Hansl, World Bank lead economist para sa Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand, East Asia at The Pacific, na ang Bangsamoro Organic Law, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo, ay makapaghahatid ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
“Peace is always a great condition for economic and social development for the communities. With the law, we see the opportunity to scale up these efforts and reach even more beneficiaries,” ani Hansl.
Aniya, ang World Bank ay nakikipagtulungan sa partners at investors upang lumikha ng ‘good cycle of peace and economic development’ sa rehiyon.
Ang Bangsamoro Law ay isa sa requirements sa ilalim ng 2014 peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang pinakamalaking Muslim rebel group sa bansa.
Comments are closed.