MINDANAOAN COP PATAY SA COVID-19, TOTAL DEATHS SA PNP 67 NA

CAMP CRAME- ISANG 47-anyos na taga-Min­danao na pulis ang panibagong iginupo ng CO­VID-19 kaya sumampa na sa 67 ang namamatay sa Philippine National Police (PNP).

Sa ulat ng PNP Health Service, si Patient No. 67 na may ranggong Police Executive Master Sergeant at isang non-commissioned officer ay naka-assign sa Tagum City Police Office sa Davao del Norte.

Namatay si Patient No. 67 na wala pang bakuna noong Mayo 31.

Kasabay ng pakikiramay, tiniyak ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar na matatanggap ng mga naulila ng biktima ang kaukulang tulong at benepisyo nito mula sa pamahalaan.

Naitala naman ng PNP HS ang bagong kaso ng COVID-19 na 14, kaya ang kabuuang dinapuan ng sakit ay 24, 253 at ang aktibong kaso ay 1,650.

May bagong gumaling na 236 kaya ang total recoveries ay sumampa na sa 22,536.

Samantala, nagpaalala naman ang Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na pinamumunuan ni Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, Deputy Chief for Administration, sa mga PNP personnel at kanilang pamilya na ingatan ang kalusugan.

Una nang sinabi ni Eleazar na dati ring ASCOTF commander na agad magpatingin at swab test para makaiwas sa peligro habang libre naman aniya ang medical checkups. EUNICE CELARIO

3 thoughts on “MINDANAOAN COP PATAY SA COVID-19, TOTAL DEATHS SA PNP 67 NA”

  1. 932827 776785Excellent post, I conceive internet site owners ought to larn a great deal from this website its extremely user friendly . 488487

Comments are closed.