MINDANAOANS TUMANGGAP NG AYUDA MULA SA BDO VOLUNTEERS

BDO VOLUNTEERS-3

BILANG tugon sa sunod-sunod na malalakas na lindol na yumanig sa Min­danao sa loob ng dalawang linggo, agad na nagsagawa ang BDO at BDO Network Bank branches, kasama ang non-governmental organizations at ang militar ng relief operations para sa libo-libong apektadong pamilya.

Bilang bahagi ng disaster response efforts na inorganisa ng BDO Foundation, ang mga volunteer ay bumisita sa evacuation sites at schools sa 90 barangays upang mamahagi ng 21,900 relief packs na naglalaman ng pagkain, bigas, at tubig sa Minda­naoans na naapektuhan ng mga lindol.

Ang sabay-sabay na relief operations ay nagbigay ng kinakailangang tulong sa mga residente ng Kidapawan City at ng mga bayan ng M’lang, Magpet, Makilala at Tulunan sa Cotabato. Ang tulong ay umabot hanggang sa mga bundok ng Cotabato, kung saan ang mga volunteer ay namahagi ng relief goods sa indigenous peoples ng lalawigan. Binigyan din ng relief goods ang mga benepisyaryo sa Digos City at Magsaysay town sa Davao del Sur.

Ang distribusyon ng relief packs ay isinagawa sa ilalim ng liderato ni BDO Davao and Southern Mindanao region head Beth Estrada at ng heads ng BDO at BDO Network Bank branches sa Cotabato at Davao. Nagpatuloy sa pagsasagawa ng relief operation ang mga empleyado ng BDO kahit na mismong sila ay apektado ng mga lindol.

Ang relief work ay sinuportahan ng partner non-governmental organizations ng BDO Foundation, kabilang ang Philippine Rural Reconstruction Movement at ang Ako Ang Saklay, na tinulungan ang foundation na makarating sa malalayong lugar sa Cotabato. Isang Catholic organization na nagsasagawa ng outreach at medical missions sa underserved communities, ang Ako Ang Saklay ay nagkaloob ng psychosocial support sa earthquake survivors. Tumulong naman ang Philippine Army, partner din ng foundation, sa paghahatid ng relief items sa mga labis na sinalantang barangay.

Ang corporate citizenship initiative ay kaugnay sa disaster response advocacy ng BDO Foundation, ang corporate social responsibility arm ng BDO Unibank. Pinakikilos ng foundation ang mga volunteer mula sa BDO at BDO Network Bank branches sa buong bansa para sa relief operations sa mga lugar na sinalanta ng natural o man-made disasters.

Niyanig ng mga lindol na may lakas na 6.6 at ng daan-daang aftershocks ang Cotabato, Davao del Sur at mga kalapit na lalawigan, na nakaapekto sa libo-libong katao at puminsala sa mga bahay, impraestruktura at commercial establishments.

Comments are closed.