MARAMING bayan sa Oriental Mindoro ang apektado ng pagbaha at libong katao ang stranded sa National road dahil sa baha
Dahil sa mataas na tubig kahapon ay hindi na madaanan ang national road na sakop ng Brgy. Bucayao sa Calapan City.
Sa taas ng tubig kahit ang military truck ay katulong sa rescue operation at ‘yung magtatawid sana ng mga pasahero na galing sa bahagi ng Calapan patungong Southern part ng Mindoro ay nahirapan ng makatawid.
Kahapon ng alas-3 ng madaling araw, nasa 600 daan katao na ang naitawid sa kabilang bahagi ng tulay ng Bucayao na apektado ng baha.
Tinatayang 1,500 na ang stranded na pasahero na hindi na pinayagang makatawid sa malalim na baha.
Ayon sa Oriental Mindoro PDRRMO, hindi na passable sa lahat ng uri ng sasakyan itong bahagi ng Bucayao-Panggalaan Road sa Calapan City kung saan naroon ang isa sa pinakamalaking ilog ng Oriental Mindoro.
Apektado na rin ng baha itong bayan ng Baco na umabot na maging sa municipal compound ng naturang bayan.
Samantala, marami na ring stranded na pasahero sa mga terminal ng jeep sa bahagi ng Puerto Galera na papunta sanang Calapan.
Kasama rin sa mga bayang binaha ang Socorro, Pinamalayan at Bansud na nasa Southern part ng lalawigan.
Karamihan sa mga apektadong lugar ay dulot ng pag-apaw ng mga ilog sa mga bayan ng Mindoro na umaabot sa Nautical Highway o ‘yung national road ng Mindoro.
Samantala, ligtas namang naidaong sa pantalan ang mga pasaherong sakay ng barkong nagkaaberya sa laot kanina na galing Batangas pier papuntang Calapan port. RON LOZANO
Comments are closed.