ISABELA – Patay ang isang minero matapos na tambangan at barilin sa mukha na siyang agarang ikinamatay nito at agawin ang dala nitong sling bag na naglalaman ng P700,000 na pinagbentahan ng ginto sa Santiago City.
Kinilala ni P/Lt. Allan Batara, OIC, Chief of Police ng Cordon Police Station ang biktima na si Albert Panhon, may asawa, isang small scale mining na nago-operate sa isang bahagi ng bulubunduking lugar ng Cordon.
Sa imbestigasyon ng PNP Cordon, papauwi na umano ang biktima nang holdapin ng dalawang holdaper lulan ng isang motorsiklo sa may Barangay Rizal Luna.
Bago tumakas ang mga suspek ay binaril sa mukha ang biktima na mabilis namang dinala sa pagamutan ng mga residente sa nasabing barangay, ngunit idineklarang dead on arrival.
May hinala ang awtoridad na maaring kilala ng biktima ang dalawang holdaper at maari rin mga kasamahan niya sa minahan kung kaya’t malapitang binaril sa mukha na siyang ikinamatay nito IRENE GONZALES
Comments are closed.