MINI CHRISTMAS DESSERTS

DESSERTS-1

(Ni TRISHA MENDEZ)

KARAMIHAN sa pa­milyang Filipino ay kom­pleto ngayong holiday. Pasko ang isa sa mga pinaghahandaan ng ma­rami sa atin sapagkat ito nga naman ang panahon kung kailan ay makakasama natin ang ating mahal sa buhay. Ito rin ang mga panahong magagawa natin ang lahat ng gusto na­ting gawin—nang walang pag-aalinlangan—gaya na lang ng pag-attend sa lahat ng party, pagkain ng samu’t saring handa at kung ano-ano pa.

Tiyak na ngayong Pasko ay hindi mabilang-bilang ang matatapos na dessert na nakahain sa ating harapan. Mahilig kasi tayong mga Filipino sa des-sert kaya naman hinding-hindi ito maaaring mawala ngayong Pasko.

At sa mga magkakapamilya at magkakaibigan na magpa-party ngayong Pasko na mahilig sa matatamis, narito ang ilang pagkain o dessert na swak na swak ihanda dahil sa simple lang lutuin at wala pang kasinsarap.

MARSHMALLOW SNOWMAN CUPCAKES

DESSERTS-2Dahil hinding-hindi nawawala ang cupcakes at usong-uso na ito sa panahon ngayon— panregalo man o pang handa— puwedeng-puwede natin itong i-level up at gawing marshmallow snowman mini cupcakes.

Tumpak na tumpak nga naman ang design nito ngayong Pasko. Tiyak ding magugustuhan ito ng mga makatitikim. Presen­tableng-presentable ito at maganda sa paningin kaya mas nakagaganang kainin.

Kaya kung mahilig ka sa cupcakes at marshmallow, swak gawin ang marshmallow snowman cupcakes.

CHOCOLATE PRETZEL COOKIE DOUGH BITES

Isa pa sa masarap gawin o ihanda ngayong holiday ang Chocolate Pretzels Cookies Dough Bites. Hindi nga naman puwedeng mawala ang chocolate dahil isa rin ito sa hinahanap-hanap hindi lamang ng mga matatanda gayundin ng bagets.

At kung nag-iisip ka ng kakaibang presentasyon o dessert na ihahanda ngayong holiday, napakasarap subukan ang Chocolate Pretzels Cookies Dough Bites. Hindi mo nga naman pag-sisisihan ang paggawa nito dahil pani­guradong maiibigan ito ng iyong pamilya at bisita.

MINI CHOCOLATE COOKIES

Sa mga mahihilig naman sa cookies, puwedeng-puwede ka ring gumawa ng mini chocolate cookies. Mas maganda rin naman ang maliliit na cookies lalo na kung may mga design ito. Maganda rin kung makukulay ang gagamitin nating pang-sprinkle sa gagawin na­ting mini chocolate cookies para matuwa ang makakakita. At siyempre, huwag na huwag din na­ting kalilimutang sarapan dahil iyan ang hinahanap-hanap at pinakahihintay ng ating buong pamilya.

MINI SANTA CHEESECAKE BITES

Mahilig ang marami sa atin sa cheesecake dahil nga sa kakaibang sarap nito. At dahil diyan, isa rin ito sa hindi dapat mawala sa ating mga hapag ngayong Pasko.

Kaya naman, gamitin na ang inyong kaalaman sa paggawa ng mini santa cheesecake bites. Puwede rin naman ang simpleng cheesecake lang. Pero kung gusto mong i-level up ito, lagyan lang ng strawberry sa itaas ang mini cheesecake na gagawin. Pagkatapos ay lagyan naman ng icing ang ibabaw o dulo ng strawberry.

Sa simpleng paglalagay ng strawberry at icing ay lalong sumasarap at gumaganda sa paningin ang nasabign dessert.

Napakarami nga naman nating puwedeng ihanda ngayong Pasko para sa mga mahal natin sa buhay at para na rin sa ating mga bisita. At kung tayo mismo ang mag-iisip at gagawa, mas maipadarama natin ang pag-ibig natin sa kanila. Matitiyak din nating magugustuhan ito ng ating pamilya.

DESSERTS-3Hindi mabilang ang dessert na maaari nating subukan ngayong holiday. Hindi mo rin kailangang mangamba na magugustuhan ng pamilya ang iyong gagawin dahil ano’t ano pa man ang iyong gawing dessert, lalo na kung may sangkap iyang pagmamahal, tiyak na sasarap iyan.

Huwag ding matakot na mag-imbento o mag-eks­perimento ng mga lutuin ngayong Pasko. Dahil sa pamamagitan ng pag-eeksperimento ay makaga-gawa tayo ng kakaiba at walang kasinsarap na dessert na puwede nating ipatikim hindi lamang sa ating pamilya, kundi ma­ging sa ating mga darating na bisita.

Kaya huwag nang mag-alala pa sa ihahanda, subukan ang ilan sa mga nakalista sa itaas. Puwede mong subukang lutuin ang lahat ng ibinahagi naming dessert. Maaari rin namang pumili ka lang ng isa o da­lawa. At higit sa lahat, mas okey kung mas pasasarapin mo pa ang mga nabanggit sa itaas. Happy holiday!

Comments are closed.