MINIMUM WAGE DI SAPAT- POPCOM

IGINIIT ng Commission on Population and Development na hindi sapat ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila para sa mga pamilyang mayroong dalawang anak.

Ayon kay Usec. Juan Antonio Torres III, Executive Director ng PopCom, kung dalawa ang anak ay dapat dalawang miyembro rin ng pamilya ang nagtatrabaho.

Sa ngayon ay P12,000 kada buwan o P549 kada araw ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Kung nasa labas naman ng National Capital Region (NCR) ang pamilya ay kailangan ng doble o tatlo ang nagtatrabaho kada pamilya dahil nas mababa ang minimum na sahod sa mga probinsya.

Dahil dito, isinusulong ng POPCom sa papasok na administrasyong Marcos na magkaroon ng tinatawag na living wage o halaga ng sahod ng mga manggagawa na kayang bumuhay ng pamilya. Beth C