MINIMUM WAGE SA MGA PRIBADONG NURSES, IPAGKALOOB – REP. PULONG DUTERTE

REP DUTERTE

Sa kasalukuyang pandemya na kinahaharap ng bansa maging sa buong mundo dahil sa Coronvirus o Covid-19, ang nurses ng bansa maging sa pribadong sektor ay isa sa mga pangunahing depensa ng bansa sa paglaban dito.

Kaya bilang suporta sa nurses na kabilang sa mga frontliners na kasalukuyang nasa unahan ng peligro at walang pagod na nakikipaglaban, naghain si Deputy Speaker at Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ng House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020.”

“Napakalaki ng kontribusyon ng ating mga nurses sa mga pribadong hospital sa laban na ito sa pandemyang ating kinahaharap. Nararapat lang silang mabigyan ng tamang pagpapahalaga, unang una na ang tamang sahod at benepisyo,” pahayag ni Rep. Duterte.

Matatandaan kamakailan na itinaas ng pamahalaan ang sahod ng mga nurses sa public sector kung saan ang sahod ng nasa pang publikong hospital ay umaabot mula P19,845 hangang P30,531 kada buwan.

Sa kabila nito, malayo pa din sa maaring makuwa ng isang nurses kung ito ay magtatabraho sa ibang bansa.

“Sa pamamagitan ng panukala na ito, mas mapoprotektahan natin an gating mga nurses and matutulungan sa kanilang pinansyal na pangangailangan. At ma-i-konsidera nila ang manatili na lang sa bansa sa halip na makipag-sapalaran sa ibang bansa at iwanan ang pamilya,” makabuluhang dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng batas na isinusulong ni Deputy Speaker Duterte, na anak ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, mangangasiwa ang National Wages Productivity Commission (NWPC) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagtataas ng minimum na sahod ng nurses sa pribadong hospital.

Ito ay makikipag-ugnayan sa Department of Health (DoH), Philippine Nursing Association at Private Hospitals Association of the Philippines para sa mga kaukulang pagtataas ayon sa lugar or kapasidad ng isang pribadong hospital.

“Proteksyon, aruga, pagmamahal. Ito ang mga dapat nating ipagkaloob sa ating mga frontliners maging sa mga nurses na nasa pribadong hospital,” pagtatapos ni Duterte.

Comments are closed.