Suportado ng grupong Alyansa Tigil Mina Ang Senate Resolution No. 989 ni Sen. Risa Hontiveros, na nananawagan sa Senate Committee na magsagawa ng inquiry in aid of legislation, hinggil sa epekto ng pagmimins at quarrying activities sa bansa.
Ayon Kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, ito Ang unang hakbang upang amyendahan ang batas at polisiya ng pagmimins at quarrying.
Inirekomenda ni Garganera na magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng affected communities, Department of
Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Interior and Local Government (DILG) pati na ang mga related agencies upang mapag-usapan Ang mga problema.
Dagdag pa niya, dapat bawiin Ang RA 7942 o the Mining Act of the Philippines, at palitan ng batas na bagay sa pangangailangan ng komunidad.