(Mino-monitor ng Philippine Navy) US NAVY AIRCRAFT BUMAGSAK SA PHIL SEA

Us Navy Aircraft

MINO-MONITOR ng Philippine Navy ang umano’y pagbagsak ng US Navy aircraft sa Philippine Sea kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, hanggang kahapon ay wala silang natatanggap na anumang report galing sa US Navy na humihingi ng tulong para sa search and rescue operation.

Subalit kahit ani­ya hindi humihingi ng tulong ay nakahanda ang Philippine Navy na magbigay ng ayuda partikular ang pagde-deploy ng navy assets.

Sa huling report, na-rescue na ang dalawang piloto ng bumagsak na  US Navy Carrier Air Wing o CVW 5 F/A-18.

Bumagsak ito sa karagatang sakop ng Filipinas matapos na makaranas ng problema sa makina habang nagsasagawa ng routine operations.

Tumulong naman agad ang USS Ronald Reagan o CVN 76 kaya na-rescue ang dalawang piloto nito.     R.SARMIENTO

Comments are closed.