NILINAW ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi nila isinasailalim sa regulasyon ang presyo ng Noche Buena items sa bansa.
Ito ay matapos na 12 Noche Buena items ang nakitaan ng taas-presyo na kinabibilangan ng ham, fruit cocktail, cheese, queso de bola, mayonnaise, sandwich spread, pasta, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, at creamer.
Paliwanag ni Trade Usec. Ruth Castelo, hindi maituturing na essential o pangunahing bilihin ang nabanggit na mga produkto.
Gayunman, sinabi niya na kailangan pa ring i-monitor ang mga produkto.
Nauna rito, sinabi ng DTI na sapat na ang P500 para sa simpleng Noche Buena items ngayong Pasko.
DWIZ 882