MINOR PHREATIC ERUPTION NAITALA SA BULKANG TAAL

BATANGAS – NAITALA ang minor phreatic eruption sa Bulkang Taal nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa ulat ng PHIVOLCS, naganap ito dakong alas-5:46 ng umaga, “This event produced a 1500-meter white plume that drifted southwest.”

Sa bulletin nitong Huwebes, sinabi ng PHIVOLCS na naitala ang isang volcanic earthquake sa Bulkang Taal nitong Miyerkules.

Nagbuga rin ang bulkan ng 6,307 tons ng sulfur dioxide.

Gayundin, naobserbahan ang mahinang pagbuga ng usok na umabot ng 500 metrong taas patungo sa southwest direction.

Umiiral ang Alert Level 1 sa Taal Volcano, nangangahulugang ang bulkan ay nasa “abnormal condition.”

Ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang paglapit sa Taal Volcano Island, permanent danger zone o PDZ, partikular sa bisinidad ng Main Crater at Daang Kastila fissure.

EVELYN GARCIA