ISINUSULONG ng Commission on Population and Development na mabigyan ng access sa mga family planning method ang menor de edad na nabuntis.
Kasunod ito ng pagdami ng bilang ng mga menor de edad na nabubuntis mula 2010 hanggang 2017.
Ayon kay Popcom Executive Director Undersecretary Juan Perez III, sa ganitong paraan ay maiiwasan na muling magbuntis ang mga kabataan at mabibigyan sila ng tiyansang muling maisaayos ang kanilang buhay.
Malaki aniya ang kinalaman ng mga institusyon tulad ng paaralan at pamilya upang mapigilan ang mga kabataan na mag- eksperimento pagdating sa sex.
“Sa eskuwelahan ay hindi itinuturo ang comprehensive sexuality education maaring hindi mag-iinterfere ang mga magulang, ‘yung mga guro hindi komportable na pag-usapan ang mga bagay na ito sa eskuwelahan, ‘yung mga health center i-open sa mga problema ng mga kabataan,” giit ni Perez. — sa panayam ng Ratsada Balita sa DWIZ882
Comments are closed.