ONGOING sa World Trade Center sa Lungsod ng Pasay ang “Artists for Peace” exhibition na nagtatampok sa mga obra ng Filipino artists na sina Nemi Miranda, Juno Galang, at Augusto Santiago.
Kabilang sa nominasyon na maging national artist, si Miranda ay bihasa o master sa imaginative figurism habang si Galang na mahigit dalawang dekada nang nakabase sa Hawaii ay kilala sa modernong estilo sa pagpinta.
Si Santiago na figurative artist at may malawak na kaalaman sa iba’t ibang medium ay kabilang din sa international community of artists na aktibo sa International Culture and Art Exchange programs at fund-raising.
Sa kabila ng mahigit dalawang taong pandemya ay nais magbahagi ng mga artist ng kanilang sales sa nangangailangan sa medikal kaya ang 30 posiyento benta ng mga painting ay kanilang ido-donate sa St. Lukes Medical Center sa BGC.
Magtatagal ang exhibit hanggang Oktubre 24, 2022.