SULU – PINANGANGAMBAHANG madagdagan pa ang 20 na nasawi sa dalawang magkasunod na pagsabog ng im-provised explosive device (IED) sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo kahapon ng umaga.
Bukod sa mga nasawi, 111 pa ang nasugatan sa nasabing trahedya.
Sa unang datos ng PNP-Automous Region in Muslim Mindanao (ARMM), 27 ang nasawi kabilang ang pitong sundalo ha-bang 20 naman ang sibilyan.
Sa mga nasugatan, 14 ang sundalo, dalawa rito ang pulis at 61 ang sibilyan.
Pasado alas-5 ng hapon ay may correction si ARMM Director, CS Graciano Mijares na 20 lamang ang nasawi kabilang ang limang sundalo at 15 sibilyan habang ang sugatan ay 81. As of 6PM, batay sa record ng talong ospital, 20 ang nasawi habang 111 ang nasugatan, ayon pa rin sa tanggapan ni Mijares.
Mariin kinondena ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang naturang pambobomba.
Unang naganap ang pagsabog sa loob ng Mount Carmel Cathedral habang may misa at ang pangalawanay nangyari sa labas ng simbahan.
Ipinag-utos na rin ni Albayalde ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring twin bombings. VERLIN RUIZ