MISA  AT FUNERAL MARCH PARA KAY MAYOR HALILI DINAGSA

MAYOR HALILI FUNERAL MARCH

BATANGAS – SA hu­ling pagkakataon ay ipinadama ng kanyang pamilya, kaibigan, constituent at mga supporter ang pagmamahal sa na­paslang na si Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Alas-8 ng umaga  nang sinimulan ang funeral march at alas-10:30 ay ang public viewing sa labi ng alkalde sa Tanauan City Hall na sinundan ng nec-rological service.

Lumuha at pigil na pagtangis ang nasaksihan sa misa at eulogy para kay Halili kung saan nagtipon-tipon sa St. John the Evangelist church sa  nasa-bing lungsod.

Karamihan sa mga nagtungong supporters ni Halili ay pawang nakasuot ng dilaw na T-shirt.

Hindi rin alintana ng iba pang mga supporters ni Halili na nakaabang sa mga kalye sa Tanauan ang pag-ambon makita lamang sa huling sandali ang pinaslang na alkalde.

Pagkatapos ng misa, nagsagawa ng eulogy ang pamilya at supporters ni Halili bago ito inihatid sa kanyang huling himlayan sa Loyola Gardens alas-3:00 ng hapon.

Tagumpay naman  ang inilatag na seguridad ni Calabarzon PNP Regional Director Chief Supt. Edward Carranza at  sinabing 100 pulis ang ipinakalat para sa nasabing okasyon.

Si Halili ay nasawi nang barilin sa dibdib noong Lunes habang nasa flag raising sa New Tanauan City Hall pasado alas-8 ng umaga.

Alas-8:45 ng umaga ay idineklara itong ‘expired’ o patay ng mga attending physician ng CP Memorial Hospital. EUNICE C.

Comments are closed.