MISA DE GALLO

ANG Misa de Gallo ay salitang Espanyol na ibig sabihin Night Mass o Dawn Mass at 9-araw na serye ng pagsisimba ng Roman Catholic.

Sa Pilipinas, tinawag itong Simbang Gabi na karamihan ay nagsisimula alas-4 ng madaling araw.

Pero batay sa kasaysayan, ito ay 9 na araw na bubunuin bilang Novena at isasagawa mula alas-2:30 ng madaling araw hanggang ala-5 ng umaga.

Sa ika-9 na araw o December 24, gagawin ang misa alas-8 ng gabi hanggang 11 ng gabi upang may oras na makauwi sa tahanan ang mga faithful at sama-sama sa noche buena ang pamilya bilang pagsalubong sa Pasko.

Subalit for security reason, pinayagan ang Anticipated Mass sa ilang Simbahang Katoliko na sa halip na madaling araw, minsan ginaganao ito, alas-8 ng gabi.

Ilan sa deboto ng Roman Catholic ang naniniwalang kapag nabuo ang novena o 9 araw na Simbang Gabi ay matutupad ang ipinapanalangin.

Ang Simbang Gabi ay tinawag ding Misa de Aguinaldo at Rooster Mass dahil isinasagawa ito bago tumilaok ang manok.

EUNICE CELARIO