Tradisyong Filipino na hinahangaan,
Ang manalangin sa gabi at madaling araw
Kasabay ng tilaok ng mga ‘Tandang’
Babangon ang lahat… tutungo sa simbahan.
Sama-samang magdarasal, aawit sa Maykapal
Pasasalamat at paggunita sa Mesias na isinilang.
Hesus na Itinalaga ng Diyos na maalam…
Anak na magliligtas sa mga taong makasalanan.
Sa paglipas ng maraming panahon…
Marami pa rin ang tumatalima sa Tradisyon,
Paniniwalang kahilingan nila ay ibibigay ng Poon,
Maghihintay lamang sa takdang Panahon.
Ang iba naman na maaga pa lamang ay may gagawin
Sa Gabi na lamang magsisimba man din..
Simbang Gabi.. doon aawit at mananalangin
Kahilingan nila ay Paunlakan nawa ng Diyos na mahabagin.
Sa pagdagsa ng mga Mananampalataya sa mga Simbahan
Marami naman ang nag-iisip ng Pagkakakitaan…
Sinasamantala ang Tradisyong nakagisnan…
Sa mga Pagkaing pang-Pasko sila ay namumuhunan.
Sa Misa de Gallo… Sa Palibot ng Simbahan makabibili ng Bibingka at Puto
Sasabayan mo pa ng Tsaa na nilagang Pandan at dahon ng Avocado.
Hihintayin mga kapitbahay at kaibigan mula sa kabilang Baryo…
Masayang magsasabay-sabay patungo sa Simbahan at Patio.
Kaya nga sa Misa de Gallo…
tayo ay dadalo… saan mang dako o baryo…
Magdasal tayo ng totoo at seryoso…
Huwag samantalahing manligaw lamang at Magtanan ng nobyo!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.