MISA SA QUIAPO BINULABOG NG KELOT

Misa

MAYNILA – ALARM and scandal ang posibleng kaharaping kaso ng isang lalaki na ina­resto ng pulisya makaraang magsisigaw habang may idinaraos na misa sa Quiapo Church, noong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Police Maj. Garman Manabat, ng Plaza Miranda Police Community precinct, dire-diretsong naglakad ang hindi pinangalanang lalaki papalapit sa altar, dakong alas-7:30 ng umaga.

Nakasuot ng itim na T-shirt ang lalaki na may naka-imprentang mukha ni Hesukristo nang siya ay dumating sa simbahan.

Nang makalapit sa altar ay nagsimula na umanong magsisigaw at magwala ang lalaki.

Hindi pa alam ng awtoridad kung ano ang dahilan ng panggugulo ng lalaki, subalit bago umano ito dumating sa simbahan ay may pinuntahan na itong lugar sa Quinta Market at nakita siyang nanggulo rin doon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.