MISDECLARED NA KARGAMENTO KINUMPISKA NG BOC

KINUMPISKA ng Bureau of Customs Port of Davao ang apat na misdeclared  na kargamento na kinabibilangan ng sibuyas, magic sugar, candies, mosquito coils, at used clothing.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, dalawa sa mga kargamento na sinasabing misdeclared cargoes na galing sa  China  at dumating ito sa Port of Davao ng magkakaibang petsa.

Ang dalawa pang kargamento na kasama sa nakumpiska ay galing sa Indoneisa, at  United States  at  dumating sa Davao International Container terminal ng magkakaiba ring petsa.

Sinabi ni Lapeña, ang sinasabing mga candy at mga mosquito coils ay pagmamay-ari ng Janrev Enterprises  na  idineklarang  plastic plates, at ang 6,300 sacks ng onion ay nakapangalan sa Bizreal Trading  na idineklarang mga mansanas.

Ang used clothing o ukay-ukay naman ay  nakapangalan sa  Mahmud Enterprises at   275 boxes ng magic sugar at 115 karton ng  sibuyas ay pag-mamay-ari ng Kaesan Trading at nakadeklarang mga bedsheets, shoes, pillowcases, stuffed toys, at bags.

Sasampahan ng kasong kriminal ang mga consignee partikular na ang may-ari ng ukay-ukay dahil sa paglabag sa RA 4653.      FROI M

Comments are closed.