MISDECLARED PROCESSED MEAT SINUNOG SA GENSAN

MISDECLARED PROCESSED MEAT

NAHARANG ng awtoridad ang mahigit 200 kilos ng processed meat products na pinangangambahang nagtataglay ng umano’y African Swine Fever (ASF) virus sa paliparan ng General Santos City.

Napag-alaman sa isinagawang pagsisiyasat ng Bureau of Quarantine, na may kabuuang 261 kilos ng mga karne ng baboy, manok at Peking duck ang tinangkang ipuslit sa lungsod.

Misdeclared din umano ang mga naturang kargamento makaraang masuri ng Bureau of Customs na hinihina­lang mula pa sa abroad.

Pinangangambahan ng awtoridad na maaaring magdala ito ng sakit na makasasama sa tao kung makakain ito.

Bunsod nito, agad na sinunog ang mga nakumpiskang processed meat products.

Magugunitang inalerto ang Bureau of Quarantine at Bureau of Customs sa lungsod sa pagbabantay lalo na sa mga air-port at mga pantalan upang hindi maipuslit ang mga karne na nagmula sa ibang bansa partikular sa mga apektado ng ASF virus. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.