MISENCOUNTER SA QC, IIMBESTIGAHAN NG KAMARA

SUPORTADO ng mga ranking members ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang hakbang na maimbestigahan nila ang nangyaring misencounter sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Surigao del Norte 2nd Dist. Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, handa ang kanyang komite na magsagawa ng ‘motu proprio’ investigation upang alamin ang puno’t dulo ng aniya’y “very unfortunate incident”.

“Both police and PDEA claim their respective anti-drug operations in Ever Gotesco yesterday are legitimate. If this is so, there could be no firefight because there should be coordination between them as required under sec 86 of RA 9165 before any legitimate anti-drug operation can be carried out. Under this section, the police should properly coordinate with PDEA but it appears that the police did not,” sabi pa ng House panel chairman sa kalatas na ipinalabas niya kahapon.

Sa panig ni former House Speaker at Taguig City 1st Dist.-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, iginiit niyang mas mabuti na isang independent body ang magsiyasat upang matiyak na magiging patas at lumabas ang katotohanan hinggil sa naturang insidente.

“Independent investigation ang House at si Cong. Ace Barbers ay experienced na ‘yan. Tandaan natin na ang tatay niya ay dating DILG secretary at retired police official, so malalim ang kaalaman niyan. Anything that would shed light on the truth (I will support). At sana ‘yung mga former PDEA at former police officers na mayroong experienced ay lumabas din,” pahayag ni Cayetano bilang pagsang-ayon niya sa nais ni Barbers.

Naniniwala ang dating lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na isa sa unang dapat alamin sa madugong barilan sa pagitan ng PDEA at QC police operatives ay ang kakulangan sa koordinasyon ng dalawang panig pagdating sa pagsasagawa ng kani-kanilang anti-drugs operation.

Maging sina House Assistant Majority Leader, Quezon City 1st Dist. Rep. Onyx Crisologo at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ay nanawagang magkaroon ng Congressional probe kung saan naniniwala silang maiiwasan ang miscounter at pagkasawi ng dalawang police operatives at isang PDEA agent kung talagang mayroong maayos na koordinasyon ang mga ito. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.