MISIS AT LOVER HULI NI MISTER SA HOTEL

hotel

MALABON CITY – DINAKIP ng awtoridad ang isang misis at kanyang kalaguyo na mas bata sa kanya sa isang hotel matapos itong sundan ng kanyang mister sa lungsod na ito.

Ayon sa pulisya, naghihinala ang 46-anyos na mister na itinago sa pangalang “Randy” sa kanyang misis na itinago rin sa pangalang “Vicky”, 46, kapwa ng Brgy. Lo­ngos na matagal na siya nitong niloloko na naging dahilan upang sundan nito ang asawa nang umalis ng kanilang bahay.

Nakipagkita ang misis sa kanyang kalaguyo na nakilala sa ­pangalang July Ledesma, 31, tricycle driver, at nagcheck-in ang mga ito sa Masky Hotel sa kahabaan ng Rapana Road, Brgy. Potrero dakong alas-7 ng gabi.

Nang makumpirma ng mister ang pagpasok ng dalawa sa hotel, agad itong humingi ng tulong sa Malabon Police Community Precinct (PCP) 8 na hinintay ang pag check out ng dalawa bago inaresto.

Kasong adultery ang isinampa ng mister sa kanyang misis habang ang kanyang kalaguyo ay sinampahan naman ng kasong concubinage sa Malabon City Prosecutor’s Office. EVELYN GARCIA

Comments are closed.