MISIS KINATAY NI MISTER BAGO NAGPAKAMATAY

saksak

NEGROS OCCIDENTAL– MAGSASAMA hanggang sa libingan ang isang mag-asawa matapos ang kalunos lunos na krimen na naganap nitong Huwebes nang paulit-uilt na saksakin ng lalaki ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay hanggang sa mamatay at saka nagsaksak din sa sarili sa bayan ng Victorias sa nasabing lalawigan.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Victorias Police Office, bandang alas-10  kamakalawa ng umaga ay naulinigan ng mga kapitbahay ang pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa narinig nilang humihingi na ng saklolo ang 40-anyos na ginang.

Sinasabing naabutan pa ng isang kapitbahay na buhay ang mag-asawa nang tangkain niyang sumaklolo na nadatnan nito na may tama na ng saksak ang biktima.

Subalit, binantaan umano siya ng suspek na huwag makialam at baka madamay ito kaya sa takot tumakbo umano ito palayo para humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Nang dumating  ang nagrespondeng pulis, natagpuan nilang duguan at wala ng buhay ang babae sanhi ng napakaraming saksak na inabot nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

At nang nakita ang pagdating ng mga tao ay sinaksak naman ng suspek ang kaniyang tiyan. Nagawa pang maitakbo ang mister sa pagamutan subalit kamakalawa ng gabi ay tuluyan na rin itong binawian ng buhay.

Hinihinalang isang crime of passion ang pangyayari at maaring selos ang nagtulak sa suspek na isang magsasaka  na paslangin ang asawa niya na nagtatrabaho sa isang night club.

Nakiusap ang pamilya ng mag-asawa sa mga pulis na huwag ng ilantad ang kanilang pagkakakilanlan.

Sinasabing selos ang nakikitang motibo ng pulisya sa insidente dahil nagdududa ang suspek na may ibang lalaki ang biktima. VERLIN RUIZ

One thought on “MISIS KINATAY NI MISTER BAGO NAGPAKAMATAY”

  1. 689323 125897woah i like yur web site. It truly helped me with the details i wus looking for. thank you, will save. 763240

Comments are closed.