MISIS NA TAKSIL NABUKING NI MISTER, KINASUHAN

kabet

ISABELA – INIHAHANDA na ng isang mister ang kasong isasampa sa kanyang misis at umano’y kalaguyo nito na kanyang naaktuhan sa kompromisong sitwasyon sa kanilang bahay sa Echague.

Naisipan ng mister na maghanap ng kutsilyo sa kanilang  kusina  ngunit walang makita kaya’t kinuha niya ang kaserola at kaldero na pinanghampas sa magkalaguyo.

Matapos nito ay lumabas ang mister at nagsisigaw sa labas ng kanilang bahay sanhi para maglabasan ang kanilang mga kapitbahay at nalaman ang sekreto ng kanyang  misis.

Nagsumbong ang mister sa kanilang barangay kapitan  at dinala sa himpilan ng pulisya ang magkalaguyo.

Ayon sa mister, matagal na aniyang usap-usapan sa kanila ang ginagawa ng kanyang misis ngunit hindi niya pinaniwalaan hanggang sa naaktuhan mismo.

Nasaksihan ng mister ang pangangaliwa ng misis makaraang bumalik sa kanilang bahay nang may makalimutang dalhin at dito na mismong nakita ng dalawa nitong mata ang mainit na tagpo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

3 thoughts on “MISIS NA TAKSIL NABUKING NI MISTER, KINASUHAN”

  1. I just could not depart your web site before suggesting that I really enjoyed the standard info a person provide
    for your visitors? Is going to be again frequently to inspect new
    posts

  2. 282671 953621Im impressed, I should say. Genuinely rarely do you encounter a weblog thats both educative and entertaining, and let me tell you, you could have hit the nail about the head. Your concept is outstanding; ab muscles something that too couple of men and women are speaking intelligently about. Im delighted i found this in my hunt for something about it. 317714

Comments are closed.