MISIS NA TULAK ARESTADO SA BUY BUST

GIRL ARRESTED

MALABON CITY – KALABOSO ang isang 39-anyos na misis na hinihinalang tulak ng droga sa buy bust operation.

Kinilala ni Malabon police chief Sr. Supt. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Baby Rose Jiongco, ng 62 Interior Gil Pascual St., Brgy. Hulong Duhat.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ramos Timmago, bandang alas-8 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsamang operatiba ng SDEU at PCP-5 sa pangunguna ni PSI Johnny Baltan at P/ Insp. Ferdinand Espiritu kontra sa suspek malapit sa kanyang bahay.

Matapos iabot ng suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa police buyer kapalit ng marked money ay agad lumusob ang mga nakaantabay na ope­ratiba at inaresto si Jiongco.

Walong plastic sachet na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng ­hinihinalang shabu at buy bust ­money ang narekober ng mga operatiba sa suspek.    VICK TANES/ EVE GARCIA

One thought on “MISIS NA TULAK ARESTADO SA BUY BUST”

Comments are closed.