MISIS NAGPAUMAGA SA MOTEL PARA HULIHIN SI MISTER AT KUMARE

Motel

CAPIZ – NAGPUPUYOS sa galit ang isang misis nang mahuli niya ang kanyang mister sa isang motel kasama ang kanyang kumare.

Sinabi ng misis na itinago sa pangalang Bing, na nag-check in kasama ang anak sa lodging house dahil sa kaniyang hinala na nasa loob ang mister nitong si alyas Bikoy.

Mistula namang kinasihan ng pagkakataon si Bing dahil kinaumagahan ay nakita nito ang mister na lumabas kaya sinugod niya ito at sinuntok.

Ayon pa sa roomboy, maging ang ibang customer sa naturang lodging house ay nabulabog na rin sa away ng mag-asawa kaya minabuti na lamang nilang tumawag ng pulis.

Sa kagustuhan ni alyas Bing na makita kung sino ang magdamag na kasiping ng kaniyang mister ay nagsabi ito sa mga pulis na puntahan ang kuwartong kanilang inookupa.

Gayunman, hindi natagpuan sa kuwarto ang babae kaya hinanap ito hanggang maabutan sa fire exit ang kumara na si alyas Amy.

Kaagad na dinala sa Roxas City Police Station ang mag-asawa upang makapag-usap at dito ay kanilang napagdesisyunang maghiwalay na lamang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “MISIS NAGPAUMAGA SA MOTEL PARA HULIHIN SI MISTER AT KUMARE”

Comments are closed.