ZAMBOANGA -DEAD on the spot ang isang misis nang pagtatagain ng kanyang misis na dating pulis sa loob mismo ng kanilang bahay nitong Biyernes.
Nagtamo ng maraming saksak sa katawan at leeg ang biktimang si Nasra Jamih Tikbuan, 36 anyos.
Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na si Zaldy Jama Tikbuan,50 anyos , isang retiradong miyembro ng PNP .
Sa ulat, sinabi ni P/ Major Shellamie Chang, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong 6:30 ng umaga sa tahanan ng mag-asawa na matatagpuan sa Sampaloc Drive, Baliwasan Chico, Brgy. Baliwasan ng nasabing siyudad.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, narinig ng kanilang mga kapitbahay na nagtatalo ang magasawa.
Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay kinuha ng suspect ang bagong hasa nitong itak saka pinagtataga ang misis na pinapuruhan sa leeg hanggang sa duguan itong bumulagta .
Nang mapagtantong napatay ang kaniyang asawa ay mabilis na tumakas ang suspect patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
EVELYN GARCIA