MISIS TINARAKAN NG SCREW DRIVER

Screwdriver

CAGAYAN – PATAY ang isang misis matapos na saksakin ng screw driver sa lalamunan ng kanyang mister ng dahil lamang sa pera sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Palawig, Sta Ana.

Kinilala ni P/Capt. Joel Labasan, deputy Chief of Police ng Sta. Ana, Police Station, ang biktima na si  Suasan Umbay, 40, habang ang kayang mister na suspek ay si Reynold Umbay, 45, residente ng nasabingg lugar.

Sa imbestigasyon ng PNP-Sta. Ana, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang umuwing lasing ang suspek galing sa isang lamay at humihingi ng pera sa kanyang asawa dahil sa natalo umano sa sugal na tong-its at gustong bumawi.

Sualit nang tanggihan sa hinihinging pera sa asawa ay nagalit ito at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa lalamunan ang asawa ng hawak nitong screw driver na siyang agad na ikinamatay ng misis nito.

Sumuko ang suspek na si Reynold Umbay na labis aniya ang pagsisi sa pagpatay sa asawa at kasong parricide ang isasampa sa kanya. IRENE GONZALES

One thought on “MISIS TINARAKAN NG SCREW DRIVER”

Comments are closed.