KABILANG na si Miss Earth 2017 Karen Ibasco sa mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19.
Sa kaniyang Instagram post ay sinabi ni Ibasco na siya at ang kaniyang pamilya ay nagpositibo sa COVID-19.
Ayon dito, maaring nakuha nila ang infection mula sa mga ipinade-deliver nila sa kanilang bahay.
Patuloy pang nagre-recover ang katawan ni Ibasco at bumabawi ng lakas matapos tamaaan ng sakit.
Nagbigay rin si Ibasco ng impormasyon sa mga ospital na mayroong available na swab test para sa COVID-19 kasama ang contact numbers at kung magkano ito.
Comments are closed.