MISS EARTH NASUNGKIT NG VIETNAM

Nguyen Phuong Khanh

NASUNGKIT  ng 23-anyos na Vietnamese na si Nguyen Phuong Khanh ang korona ng Miss Earth 2018.

Si Khanh ay nanguna sa 86 na mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Ito ang kauna-unahang korona ng Vietnam sa Miss Earth mula nang magsimula ang patimpalak  noong 2001.

Si Khahn ay isang marketing student at matatas sa wikang Vietnamese at Ingles.

Sa question and answer ay malaman ang naging sagot ng beauty queen sa tanong kung ano ang pinakamahalagang isyu na kinahaharap ng millennials sa ngayon.

Sagot ni Khanh, ang kamangmangan ang pinakamahalagang isyu. “Our ignorance is the most pressing issue. We have technology available and we only care about ourselves.”

Nakuha naman ni Miss Austria Melani Mader ang  Miss Earth-Air habang Miss Earth-Water si Valeria Ayos ng Colombia at Miss Earth-Fire si Melissa Flores ng Mexico, habang nasa pangwalong puwesto si Celeste Cortesi na pambato ng Filipinas.

Naganap ang koronasyon ng prestihiyosong pageant  kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena.