Walang problema sa mga supporters ni Christine Juliane “CJ” Opianza kung hindi man niya naiuwi ang titulo at korona ng Miss Grand International.
First runner-up lang kasi ang puwestong nakuha niya. Sayang, muntik na. Si Miss Grand India Rachel Gupta kasi ang nakapag-uwi ng korona.
Second runner-up naman si Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein, third runner-up si Miss Grand France Safiétou Kabengele, at fourth runner-up si Talita Hartmann ng Brazil.
Ginanap ang koronasyon ng Miss International 2024 sa Bravo BKK Mall sa Bangkok, Thailand, ngayong Biyernes ng gabi, Oktubre 25, 2024.
Talaga raw crowd favorite si Miss Grand India at sila nga ni CJ ang pinakamahigpit na magkalaban sa Miss Grand International 2024 title. Silang dalawa raw kasi ang may pinakamatalinong sagot sa question-and-answer portion.
Crowd favorite si Miss Grand India at siya ang pinakamahigpit na nakalaban ni CJ sa Miss Grand International 2024 title.
Sa question-and-answer portion ng Bangkok-based international beauty pageant ay silang dalawa ang nagbigay ng pinakamatalinong sagot.
Tanggap ng Filipino beauty pageant fans ang resulta kaya wala ang comment na “cooking show,” pero hindi ito tanggap ni Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein.
Nakaligtas si MGI president and founder Nawat Itsaragrisil sa batikos ng Filipino fans, pero isinoli naman ng Myanmar ang korona.
Sinabi ni Nyein sa publiko na isinosoli nila ang korona ng 2nd runner up dahil hindi niya ito deserve.
E alin pala ang deserve niya?
Wala raw siyang sama ng loob kina Gupta at Opianza pero hindi raw talaga dapat sa kanya ang 2nd runner up.
E alin nga kasi?
Hayaan na lang nga natin sila!
Wala pang inilalabas na statement si MGI president and founder Nawat Itsaragrisil tungkol dito!
RLVN