INILUNSAD kamakailan lamang ang 47th Miss Intercontinental na gagawin dito sa Pinas sa unang buwan ng susunod na taon, Enero 8-29, 2019.
Sa ginanap na mediacon sa Taft Room ng Conrad Hotel sa MOA grounds, napag-alaman na ang beauty pageant ay dapat gagawin sa Japan pero dahil sa Olympic games, inilipat ito rito sa Maynila.
Makikipag-agawan sa korona ang mahigit na 80 kandidata mula sa kani-kanilang bansa kaya inaasahang magniningning na naman ang entablado ng SM MOA Arena.
Present in the launch were the reigning queen, Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo, CEO of Miss Intercontinental Organization Deflef Tursies, CEO of Miss Intercontinental Japan Joanna Leonisa Gimena Miyamae, COO of Miss Intercontinental Japan Kumi Miyamae, Binibining Pilipinas Intercontinental 2018 Karen Gallman at si Miss Intercontinental Japan 2018 Akari Maeda.
Ayon pa rin kay CEO Leonisa Gimena Miyamae, magkakaroon ng pre-pageant night kung saan idi-display ng mga kandidata ang iba’t ibang Filipiniana dresses and gowns na gawa siyempre ng ating local na fashion designers kaya malaking pagkakataon ito para sa kanila to showcase their Filipiniana designs lalo na sa mga taga-probinsiya na magagaling magdisenyo pero hindi nabibigyan ng pagkakataon na makilala.
“It also means, we need more than 80 designers to dress up the 80 candidates. The designer of the winning Filipiniana gown will receive a plaque of appreciation and US$1,000 in cash.”
For inquiries on how to send your designs, send email to [email protected] or contact the executive director Bill Calubaquib at 0917 8407541.
KOREAN STAR ALEXANDER LEE RENEWS CONTRACT WITH GMA ARTIST CENTER
KOREAN actor Alexander Lee remains a loyal Kapuso as he renews his management contract with GMA Artist Center.
Sinabi ni Kapuso Oppa sa naganap na contract signing kamakailan, na itinuturing niyang pangalawang tahanan ang GMA at masaya siya sa pananatili bilang Kapuso.
“I’m very happy, you can see it from my genuine smile. For the past year, I really like how they took care of me and I really have a good time with all the Kapuso. Everybody is so good and nice,” ani Alexander.
Masaya naman si GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable sa pananatili ni Alexander bilang isang loyal Kapuso,
“Masaya tayo kasi ibig sabihin noon malaki ang tiwala niya sa GMA at natutuwa siya sa mga nangyari sa kanya rito sa Filipinas so we’re very happy.” Bilib aniya siya sa talento ng Korean star at suportado niya ito.
“Aside from acting, talagang bumalik siya kung saan siya unang nakilala – ang pagkanta. Now that we have Studio 7, we can have him there and in other musical-variety shows and other contests. Of course, basta may fitting role sa ating drama or sa ating comedy, he’s also a very funny guy, puwede natin siyang ilagay roon.”
Excited na si Alexander sa mga gagawing proyekto niya na makatutulong para siya ay maging isang mahusay na artista. Nagpasalamat si Alexander sa buong suporta na ibinibigay ng GMA sa kanyang career.
“I think I won’t limit myself into just one thing. I want to try everything to be more multitalented. I hope I can make people happy,” sey ng Korean heartthrob.
Bumalik sa Filipinas noong Hulyo si Alexander upang muling buhayin ang kanyang pagmamahal sa musika. Inilabas niya ang kanyang bagong single na pinamagatang ‘Keep Ya Head Up’ kasama ang kapwa Korean singer na si Marucci.
Dumalo sa contract signing sina GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMA Entertainment Group Senior Program Manager Redgynn S. Alba, at Jong-Hyuk Lee, ang co-manager ni Alexander.
Comments are closed.