KANSELADO na ang 2020 Miss International pageant dahil sa COVID-19.
Ayon sa International Cultural Association (ICA) sa Tokyo, Japan, mismong ang organizer ng taunang beauty pageant ang nagdesisyong kanselahin ang naturang pageant na nakatakda sanang ganapin sa Oktubre 29.
Nagdesisyon ang mga organizer nito na pagkatapos na lang ng Tokyo Olympics at Paralympics isagawa ang pageant.
Dahil dito ay magiging pinakamatagal na reigning Miss International titleholder sa kasaysayan si Sireethorn Leearamwat na kauna-unahang Thailander na nagwagi ng titulo noong 2019.
Matatandaang kinansela rin sa bansa ang pagdaraos ng Binibining Pilipinas dahil sa COVID-19.
Nakatakda sana itong idaos noong Mayo 31.
Comments are closed.