SA kabila ng pagbubunyi ng lahat sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Ms. Universe 2018, may malungkot na balita namang dala si Ms. International 2013 Bea Rose Santiago dahil naka-confine siya sa ospital dala ng pakikipaglaban niya sa kanyang chronic liver disease.
Na-diagnose ang dating beauty queen titleholder na may kidney failure.
Nakuha raw niya ito sa pag-inom ng mga pre-workout drinks kaya naman nagbabala siya sa mga gumagamit nito.
Noong una raw, hindi niya matanggap ang kanyang kondisyon kaya humingi pa siya ng second opinyon sa mga doktor sa Tokyo sa Japan.
“I was diagnosed months ago, I was in denial and that’s why I left the Philippines to get a second opinion in Tokyo and [then] it turned out to be a confirmation,” aniya.
Nasa Canada ngayon si Bea para maghanap ng potential donors na tutulong sa kanyang sakit.
“I will be needing a life-saving transplant. I live because of a machine, my dialysis machine and the doctors and nurses at Home Hemo Dialysis centre in Toronto General,” lahad niya.
Patuloy ang pagsasailalim niya ng dialysis para malunasan ang kanyang karamdaman.
Kamakailan lang, na-bash si Bea ng mga netizen dahil sa naging komento niya sa sinuot ni Catriona sa swimsuit competition ng nasabing pageant na umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media.
CATRIONA GRAY GUSTONG I-ADOPT NG AUSTRALIA
HALF-Filipino at half-Australian ang bagong Miss Universe na si Catriona Gray.
Dahil everybody loves a winner, gustong angkinin ng ilang media outlets sa Australia ang beauty queen dahil sa pagkapanalo nito considering nga naman na may dugong Australyana ito.
Sa front page nga ng The Courier Mail, makikita ang litrato ni Queen Cat kalakip ang headline na “Miss Universe Philippines” pero nakaekis ang pangalan ng bansa habang nakasulat sa ibaba ang “Queensland.”
Samantala, may isa pang article sa website naman ng Australian radio station na Hit kung saan naka-headline ang: “An Australian Girl Just Won Miss Universe But She Wasn’t Miss Australia.”
Ang mga naturang screenshot ay mula sa Facebook page ng PGAG na may caption na, “Some Australians want a piece of the Ms. Universe win, too? What do you think? To be fair, Catriona Gray grew up in Australia.”
Si Catriona ay ipinanganak sa Cairns, Queensland sa kanyang Scottish na ama habang ang kanyang ina ay Pinay na mula sa Oas, Albay.
Comments are closed.