MISS MEXICO ANDREA MEZA BAGONG MISS UNIVERSE

ITINANGHAL na 2020 Miss Universe si Miss Mexico Andrea Meza sa isinagawang 69th coronation night sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida, USA.

Sampung taon ito matapos huling mapasakamay ng Mexico ang Miss Universe crown noong 2010 at unang nakuha ang titulo noong 1991.

Tinalo ng 26-anyos at software engineer na si Meza ang 73 iba pang kandidata kabilang si Miss Philippines Rabiya Mateo matapos ang kanyang sagot sa usapin ng changing beauty standards.
Itinanghal na first runner up si Miss Brazil, second runner up si Miss Peru, third runner up si Miss India at fourth runner up si Miss Dominican Republic.

Bagamat nakapasok sa Top 21, bigo si Rabiya na makapasok sa Top 10 bagamat una nang lumabas sa pageant website na Missosology ang pagpili kay Rabiya na ikatlo sa mga posibleng manalong Miss Universe ngayong taon.

Una nang pumasok sa Top 10 ang mga pambato ng Jamaica, Dominican Republic, India, Peru, Australia, Puerto Rico, Thailand, Costa Rica, Mexico at Brazil.

Negatibo naman ang reaksiyon ng mga netizen sa resulta ng pageant ngayong taon dahil maliban sa hindi nakapasok sa Top 10 si Rabiya, sa simula’t simula pa lamang ng show ay malalamya na ang mga pageant hosts partikular si Miss USA Olivia Culpo na itinanghal na Miss Universe 2012. DWIZ882

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *