MISS PHILIPPINES 2018 CANDIDATES NANGUNA SA GIFT-GIVING AT FEEDING PROGRAM

Director-Chief-Supt-Joselito-Esquivel-Jr

QUEZON CITY – IKINAGALAK ni ­Quezon City Police District (QCPD) Director, CSupt. Joselito Esqui­vel Jr. ang pagbisita ng ilang Miss Philippines 2018 candidates sa kanilang lugar at nanguna sa  gift-giving at feeding program sa may 200 mendicants na iniligtas sa mga kalsada at bawat kanto ng ­Quezon City sa mga araw na nakalipas.

Sa pakikipag-ugna­yan ni Esquivel sa  Miss Philippines organizers at hilingin ang presensya ng mga  kandidata upang bigyan ng kulay ang  programa at magbigay  inspirasyon  sa mga tauhan ng QCPD lalo na sa mga kapos-palad na­ting mga kababayan na sinagip sa kalsada.

Sinabi pa ni Esquivel na ang  21 Miss Philippines ay una ng nag courtesy visit sa NCRPO bago pa man sumali sa mga tauhan ng QCPD sa pagbibigay ng  regalo at feeding para sa mga iniligtas na mendicants sa mga kalsada na ginanap naman sa QCPD Covered Court.

“Napakaganda po ng timing ng kanilang pagbisita lalo pa’t ginaganap din ngayon ang inaaba­ngan na Miss Universe pageant,” ayon pa kay Esquivel. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.