MISS SAIGON’S THUY GERALD SANTOS PUMIRMA NG 2-YEAR RECORDING CONTRACT SA STAR MUSIC

DALAWANG linggo ang nakuhang break ng Miss Saigon’s Thuy na si Gerald Santos mula sa kanilangencounters produksiyon.

Kasabay ang ilang cast members na nagsipagbakasyon, meron din namang ilang naiwan para magpatuloy sa kanilang palabas sa ibang lugar.

Kaya habang wala roon si Gerald as Thuy, ang sinasabing 1st cover niya ang gumaganap sa nasabing katauhan. And he is not even an understudy. Iba kasi yun. Ang 1st cover ay kung hindi puwede si Gerald at kung hindi puwede ang 1st cover, may 2nd cover na gaganap sa nasabing papel. Ang nakatoka na 2nd cover ay isa pang Pinoy na si Joaquin Pedro Valdez.

Sa pag-uwi ni Gerald sa bansa, itinaon na ang pagpirma niya ng two-year contract with Star Music for a recording deal na magsisimula muna sa se-ries of singles. Ang unang single na “I’m Yours” ay mula sa panulat ni Francis ‘Kiko’ Salazar.

Through Sir Jonathan Manalo and Roxy Liquigan, isinagawa ang contract signing ni Gerald with his manager Rommel Ramilo witnessed by a good friend and supporter Kuya Neo de Padua.

Sinamantala na rin ni Gerald ang special bonding with his core group para sa mga future plans pa niya if ever matapos na ang kontrata niya sa “Miss Saigon”.

“They are planning to have an Asian and European tour. Idinadasal ko nga na magkaroon ng Philippine leg para mapanood ako ng ating mga kaba-bayan. If ever, personally gusto ko rin mapasok at masubukan ang iba pang production like “Les Miserables” and “Phantom of the Opera”. But for now na sa akin pa rin ibinigay ang pagpapatuloy kay Thuy, dito pa rin ako.”

Gerald was his own simple and humble lad sa dalawang araw na bonding in a private resort in San Juan, La Union.

“Pag-uwi ko, sina Mama at Papa at mga kapatid ko at pamangkin ang isinama ko rito. Talagang na-miss ko sila. Next year na ako makakauwi uli. Kaya sulit na sulit.”

He spent some time going to a Ma-Cho Temple, Pintangan Ruins and Carmel Church with his handful press friends. Kainan. Tawanan. Kantahan. Plain and simple life. Watching the music video of “I Am Yours” at rehearsal videos niya for his role as Thuy.

Before he left  yesterday, May 14, nag-guest siya sa MOR radio to promote his single  na nasa Spotify and iTunes and other platforms na.

Sumalang na rin siya sa RYTS (Rule Yourself To Success) show ni Kuya E (Neo de Padua) sa Eagle Broadcasting Network.

IAN VENERACION CERTIFIED PERFORMER NA

ian vWE can say that truly, certified concert performer na ang nagsimulang child actor at heartthrob ngayon na si Ian Veneracion.

Sa 2nd show niya sa Resorts World noong Mother’s Day (ang una ay sa Waterfront in Cebu), dagsa ang mga titas na nagmamahal sa aktor at ang mga tagahanga ng TonDeng ng “A Love to Last”.

Buo ang tiwala ng mga nasa DreamWings Entertainment nina Mommy Flor Santos sa kakayahan ni Ian sa larangan ng musika.

Ang anak ni Mommy Flor na si L.A. ang featured guest ni Ian. Kasama rin sina Jona, Jong Cuenco at Jaya.

Malamang na back-to-back concert na of Ian and L.A. ang maging kasunod nito.

Tuwang-tuwa sina Mother Ricky Reyes at Madam Baby Go sa husay ni Ian na nakakanta nga raw ang lahat ng genre ng musika. But Ian is more of a blues man at five years old pa lang siya, kasama ang Daddy niya, ini-enjoy na  niya ang music of yesteryears.

AI AI DELAS ALAS NANGANGAMOY AWARD SA INT’L SCENE

KAKAIBANG role ang gagampanan ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa Cinemalaya entry ng BGai ai Productions International ni Madam Baby Go sa “School Service” na idinidirihe ni Louie Ignacio.

Sumalang na sa shooting sa kaabalahang mga lugar sa Sta. Ana si Ai Ai kasama ang makakaeksena niya sa maraming pagkakataon na batang si Celine Juan, ang “Maya” sa istorya.

Lider ng isang sindikato si Ai Ai na kumikidnap sa mga bata. Ang kakaibang twist ng istorya ang aantig sa puso ng mga manonood na paiigtingin pa ng karakter nina Felisha Dizon, direk Joel Lamangan at Teri Malvar.

Mukhang ngayon pa lang, mangangamoy award na naman sa international scene ng manager na rin ngayon ng isang grupo ng rappers.

Comments are closed.