TAMPOK si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa ilalabas na dalawang commemorative stamps ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa susunod na linggo.
Ito’y bilang pagkilala sa karangalang naiuwi sa bansa ng beauty queen.
Nitong Sabado, pormal nang inilunsad ng PHLPost ang naturang stamps nito na nagtatampok sa dalawang makulay at well-liked na larawan ni Gray nang maiuwi niya ang korona sa prestihiyosong beauty pageant.
Nabatid na ang isa sa mga selyo na nagpapakita sa portrait shot ni Catriona ay nagkakahalaga ng P12 habang ang special stamp naman na nagpapakita ng ‘winning moment’ ng beauty queen ay nagkakahalaga naman ng P55.
Sa nasabing pagtitipon ay nilagdaan ni Gray ang mga sobre na may tatak ng mga naturang selyo.
Ayon sa PHLPost, ang mga naturang stamp ay magiging available na simula sa Pebrero 27.
Si Gray ang ikaapat na Filipina na nagwagi ng korona ng Miss Universe.
Ang iba pang Pinay na Miss Universe titleholders ay sina Gloria Diaz, nagwagi noong 1969; Bb. Margarita Moran na nanalo naman noong 1973; at Pia Wurtzbach na nagwagi noon lamang 2016. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.