CAMARINES SUR – NASILAYAN ng Bicolandia ang naging pambato ng Vietnam sa Miss Universe 2018 na si H’Hen Nie.
Ang Miss U – Vietnam ay naimbitahan bilang speaker ng taunang Francis Padua Papica Foundation Inc. (FPPFI) Youth Congress sa lungsod ng Naga.
Laking kagalakan ni Nie nang makita ang Filipino na nagpugay sa kanya at sa press conference ay nagpasalamat ito sa kanyang trainor na si Anjo Santos dahil ito ang naging tulay para makilala niya ang pinuno ng naturang malaking aktibidad na si Atty. Francis Padua Papica.
Aniya, isa ang lungsod ng Naga sa napili niyang puntahan matapos ang prestihiyosong Ms. Universe Pageant dahil sa pagkakaroon nito ng dekalidad na edukasyon.
Bukod kay H’Hen Nie, kasama rin sa speaker sina Miss Universe 2010 4th Runner Up Venus Raj at Franco Laurel.
Ang naturang youth congress ang taon-taong ginagawa na layuning magbigay inspirasyon sa mga kabataan na mailabas at maipakita ang kanilang natatanging talento sa iba’t ibang bagay. AIMEE ANOC
Comments are closed.