NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang kay Miss Iloilo Rabiya Mateo matapos makoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nag-align ang mga bituin para iproklama si Mateo na pinakanata-tangging Filipina sa buong universe.
“Congratulations Ms. Mateo and may her reign be fruitful and productive,” pahayag ni Roque.
Ang 23 taong gulang na si Rabiya ay kinoronahan ni Gazini Ganados, ang reigning Miss Universe Philippines 2019.
Si Rabiya ang kakatawan sa Filipinas para sa gaganaping Miss Universe 2020 beauty contest.
Isa si Roque sa mga naging hurado sa katatapos na Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong Linggo sa Baguio Country Club. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.